Monday, November 28, 2005

WANTED: Magiting at Marangal na Pilipino

Below is an invitation from the Black & White Movement to all those interested in recovering our honor as Filipinos and getting to the truth:

Sa lahat ng mamamayan na gustong iwasto ang panloloko sa bayan, magsama-sama tayo sa November 30, Gabi ng KaBAYANIhan, 7:00 P.M. sa La Salle Greenhills Gym, Mandaluyong.

Sino pa ang aasahan nating magligtas sa bayang naliligaw dahil walang tunay na namumuno?

Hindi ba dapat manindigan na si Vice President Noli de Castro, ang itinakda ng Konstitusyon bilang taga-halili sa Presidenteng hindi na makapaglingkod?

Hindi ba dapat magpaliwanag na si Commissioner Garcillano sa naging papel niya sa diumanong pandaraya noong eleksiyon? Dito lamang niya malilinis ang kanyang pangalan at baka sakaling maisalba ang kanyang karangalan.

Di ba dapat sa ating sarili na lamang tayo umasa? Ipamukha natin na hindi natin tatanggapin at tatangkilikin ang isang huwad na Pangulo.

Sigaw ng Pilipinas: Lahat tayo may dugong Bayani!

http://www.blacknwhite-movement.com
http://www.blckandwhte.blogspot.com
0917.88GARCI (Hello Garci? Magpaka-bayani ka!)

Expected to speak at this event are former Secretary of Education Butch Abad, Rep. Gilbert Remulla, Bro. Eddie Villanueva, among others. There will be a prayer concert as well as performances from Noel Cabangon, Cynthia Alexander, Cookie Chua, and Silent Sanctuary.

Please wear black and white.

No comments: